Topak.
Tagalog ito. Di lahat, kasi di ko kaya ng deretso. Basta. Ganun pala talaga yun, isang araw magigising ka na lang at biglang papasok sa isip mo "gusto kong mag-Filipino ngayong araw na ito".
Ako yung tipo ng tao na di marunong magsabi ng "I miss you". Marami din naman akong namimiss at hinahanap katulad nung cake sa isang restaurant, yung paborito kong daga tsaka yung kalat ko sa laboratory; pero kapag sa tao, ibang usapan na iyon. Siguro namimiss ko din sila, di ko lang sinasabi. Kung nasabi ko man sayo, maswerte ka siguro. Alam mo ba, pag lagi kang nag-iisa, maiisip mo yung mga ganitong bagay; maiisip mo yung mga di mo nakikita at gusto mong makita o maranasan. Human nature siguro iyon.
Sa ngayon, namimiss ko:
- ang climate sa "kaharian ng basketball"
- yung chocolate raspberry truffle cake sa Ditka's
- si Rein, yung makulit na daga
- yung umaapaw na kape sa opis
- ang Torch. O baka ang namimiss ko talaga eh yung experience na naiimprenta ang mga sinusulat ko?
- yung mga corny at walang kwentang pag-uusap tungkol sa last episode ng Smallville o kaya Fushigi Yuugi
- yung kalat, amoy tsaka mga maduduming glasswares ko sa laboratory
- yung labgown na dati palaging nakadikit sakin kahit kumakain
- ang hangin sa Maynila
- ang paglalakad ko ng mag-isa sa mall ng walang katuturan
- pagtambay ng tatlong oras sa Power Books
- matagal na paghahanap ng sulit na libro sa Book Sale
- makipagkwentuhan sa mga kaibigan kahit budget lunch lang ang kinakain
- pumasok at matulog sa klase ni Doc Basco habang pino-prove nya ang Schrodinger's equation
- maiwan sa bahay mag-isa at magpakasawa sa ice cream habang nanonood ng sandamakmak na DVD
- yung paggising sa umaga na alam mo na may makabuluhan kang gagawin sa buong araw
- ang paglalaro ng Mystery Case Files habang hinihintay ang digestion ng samples ko
- yung pakiramdam na nakamamatay yung bagay na nasa mga kamay ko
- ang pagkakaroon ng palusot na pagod ako para di putaktihin ng argumento
- yung mga food trip namin nila Kay at Faye
- yung paglipat ni Raymond sa side ng oncoming traffic tuwing tatawid kami (Wala pa kong nakikitang ibang gumawa nun.)
- ang boses ni Kenet na naririnig ko mula sa sampung metrong layo
- yung pakiramdam na may laman ang utak ko kahit konti? Haha.
- ang makatulog sa gabi nang tahimik ang mundo

Marami din pala. Haha. Ngayong gabi, susubukan ko nang matulog.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home